Thursday, October 27, 2011

IWAHORI MPC: PAMBANSANG GAWAD PITAK AWARDEE

Sina Chairperson Eden Ramones at Gen. Mgr. Marilou Almario
habang hawak ang plake ng Gawad Pitak na ginanap noong
Agosto 8, 2011 sa Century Park Sheraton Hotel, Manila.

ni Briccio C. Rubiano


Ang Iwahori Multi Purpose Cooperative ay nagsimula bilang isang closed type cooperative at may pangalan na IWAHORI EMPLOYEES CREDIT COOPERATIVE (IECC) noong 1991. Sinimulan ng 29 na kasapi at panimulang kapital na halagang P 40,000 na esklusibong miembro ng IWAHORI Philippines na gumagawa ng disposable na lighters sa bayan ng Mariveles na nasa loob ng ngayon ay Authority of the Freeport Area of Bataan. Sila ay naging Multi-Purpose Cooperative noong 1993 at kategorya bilang isang Non-Agri Cooperative.

Sa taong 2010, sila ay may kabuuang bilang na regular na miembro na umabot ng 583 na katao at 1,195 na associate na miembro. Sila rin ay may Savings at Time Deposit na umabot ng halagang P 28.975 Milyon. Ang kanilang kapital ay umabot na ng halagang P 29.689 Milyon at Net Income o kita na halagang P 5.710 Milyon. Ang kanilang ari-arian ay umabot na ng halagang P 77.925 Milyon sa huling araw ng Disyembre 2010. Sila ay may kumpletong labintatlong (13) regular employees at dalawang (2) part time na empleyado.

Sa ngayon, sila ay may bagong tatlong (3) palapag na building na kung saan ang unang palapag ay ang kanilang opisina, ang pangalawang palapag ay ang kanilang Training Hall at  ito rin ay maaring upahan upang gawing training venue ng ibang mga koop o mga negosyante. Ang pangatlong palapag na penthouse deck ay maaari din gamitin  sa mga pagtitipon.

Sa kasalukuyan, sila ay laging may mga nakahandang serbisyo sa kanilang mga miembro katulad ng Business Loan, Fisherman Loan, Farmers Loan, All Purpose Loan, Western Union Remittance, Appliance Loan, Honoraria Loan at marami pang ibang serbisyo sa mababang interes lang. Sila rin ay miembro na ng National Confederation of Cooperatives o NATCCO at Federation of Credit Cooperatives in Region III.

Sila rin ay naging instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang pamayanan gaya ng simbahan, paaralan at ilang programa tulad ng Barangay Donation Program, Environmental  Sanitation Program at Scholarship Program sa bayan ng Mariveles. Sa kanilang mahuhusay na serbisyo at pagtutulungan ng miembro at opisyales sa pangunguna ng kanilang Chairman Eden Ramones at Manager Marilou Almario, ang IWAHORI MPC ay patuloy na naglilingkod sa kanyang miembro at pamayanan dahil alam nila na ang pilosopiya ng kooperatiba ay serbisyo muna bago ang lahat.

No comments:

Post a Comment