Thursday, January 12, 2012

Abucay MPC Wagi!

Written by: Josephine R. Tanciongco
Published by: Irving E. Tanciongco

Balanga City, Bataan-  Pinarangalan ang Abucay Multi-Purpose Cooperative (AMPC) bilang 2011 Most Outstanding Cooperative noong Nobyember 11, 2011 sa pagdiriwang ng Cooperative Month Celebration. Ginanap ang nasabing pagtitipon sa Bulwagan II ng Lungsod ng Balanga. Mula sa pitong (7) kwalipikadong  kalahok, nanguna ang AMPC pumangalawa ang Iwahori MPC at sa ikatlong pwesto ang Dinalupihan Economic  Community MPC.

Abucay MPC Officers kasama sila Azucena E. Sugatain ng PCDO, Editha S. Capili at Nelson D. Evangelista ng CDA at si Gov. Enrique ‘Tet’ Garcia, Jr. ng igawad ang parangal.
Bukod pa dito, dalawang karangalan pa ang naiuwi ng AMPC – Best in Saving Mobilization at Best in Leadership and Management. Sa kabuuan, nakatanggap ang kooperatiba ng 3 plake ng pagkilala at kabuuang halaga na Php 25,000.00. 


Ang karangalang natamo ng AMPC sa taong ito ay patunay lamang na matagumpay at matatag ang kooperatiba. Ang pagsisikap at pagpapa-unlad ng kooperatiba ay naging mabunga dahil na rin sa sama-samang pagsissikap ng mga namumuno at miyembro nito. 
 Congratulations Abucay MPC!

1 comment: