Friday, September 2, 2011

WATCHLIFE WORKERS’ MPC: KAAKIBAT SA PAG-UNLAD NG KOMUNIDAD

By: Mr. Briccio C. Rubiano
Noong nakaraang Agosto 16, 2011 ang WATCHLIFE WORKERS’ MPC  ay nagdaos ng kanilang ika –limang taon o 5th year na anibersaryo  at selebrasyon at office extension blessing kasama  ng  kanilang mga miyembro at mga piling panauhin.

Ito ay pinangunahan ng kanilang mahusay na Chairperson na si Gng. Ofelia Hipolito, kasapi ng Board of Director na si Gng. Edith Valdecañas at ng iba pang kasapi ng lupon at ng kanilang Manager na si Gng. Charito Abaya na miyembro rin ng Board ng Bataan Cooperative Bank kasunod ng mensahe ng mga piling panauhin at bisita.

Naging matagumpay ang nasabing pagdiriwang at nagkaroon ng presentasyon  at awarding ng winners ng kanilang Poster at Slogan Making Contest para sa kanilang miyembro. Ang lahat ng sumali ay tumanggap ng consolation prizes maliban sa mga major winners. Sa ikalawang bahagi ng pagdiriwang ay may ginanap namang Libreng Dry Massage at Shawarma Snacks sa mga miyembro at panauhin.

Kabilang sa mga naging panauhin ay ang mga kinatawan ng Bataan Cooperative Bank, Land Bank of the Philippines, Provincial Cooperative Development Office, Mariveles Municipal Cooperative Development Council, Limay MCDC at Samahan ng Kooperatiba ng Mariveles, Incorporated (SAKOMI).

Sa taong 2010, sila ay may kabuuang miyembro na umaabot sa 1,124 at ari-arian na P31,275,069.34 at kita na P5,688,701.48. Sa kasalukuyan, ang  mga serbisyo ng kooperatiba na binibigay sa kanilang mga miyembro ay Loans, Savings and Time Deposit, Damayan, Death Assistance, Hospitalization Program, Group Insurance at Balik Eskwela Program. Meron din silang Feeding Program, Scholarship para sa mga deserving High School Students, Gift giving, Tree Planting at Coastal Cleaning Operation bilang bahagi ng kanilang community services.

Sa kabila ng kasalukuyang krisis na nagaganap sa ibang bansa, ang Watchlife Workers’ MPC ay naging matatag at patuloy na umaasenso at sumusuporta sa kanilang mga miyembro at patuloy sa kanilang layunin na palakasin ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga miyembro.

Sa Watchlife Workers’ Multi-Purpose Cooperative sa pagsapit ng inyong limang taon na anibersaryo, maraming taon pa sa pagtulong ninyo sa ikauunlad ng inyong komunidad ang aming hangad. Mabuhay ang inyong kooperatiba!

No comments:

Post a Comment