Monday, August 8, 2011

DEC MPC BUKAS SAMPAGUITA FARM PROJECT: BAYANIHAN NG PAMAHALAAN AT KOOPERATIBA ni: Briccio C. Rubiano


Isang matagumpay na proyekto ng DEC MPC o Dinalupihan Economic Community MPC na nagkaroon ng magandang resulta ay ang kanilang BUKAS (Bango ang Ugat ng Kabuhayang Sagana) Sampaguita Farm Project. Ito ay nagsimula noong May 9, 2011 nang magkaroon ng MOA (Memorandum of Agreement) Signing ang Kooperatiba at Pamahalaang Lokal ng Dinalupihan sa pamumuno ni Kgg. Mayor Joel Jaime P. Payumo, Sangguniang Bayan Members ng Dinalupihan at ng Dimalupig Lions Club ng nasabing bayan upang tamnan ang bakanteng lupa ng Pamahalaang Lokal sa Ceramic Plant sa Barangay Pagalanggang ng nasabing bayan.

Isa sa mga naging panauhin ng nasabing MOA signing ay ang Hepe ng PCDO (Provincial Cooperative Development Office) na si Gng. Azucena E. Sugatain na siyang nagpanumpa din sa mga bagong halal na Board of Directors o Lupon ng Patnugot. Siya ay nagsalita din tungkol sa ilang Coop at BIR updates.

MOA Signing with LGU-Dinalupihan headed by Hon. Mayor Joel Jaime P. Payumo and the Sangguniang Bayan headed by Vice-Mayor Leonardo E. Cruz held last May 9, 2011 at the Sampaguita Farm, Brgy. Pagalanggang, Dinalupihan, Bataan.
Ang nasabing MOA ay may termino o Coverage Period na sampung (10) taon at ito ay renewable. Ito ay may implementation period na six (6) months o anim na buwan pagkayari ng signing ng MOA. Ito rin ay may Moratorium period na unang anim na buwan pagkayari ng pagtanim ng mga cuttings. Ang termino ng pagbabayad ay nagkakahalaga ng P30,000.00 o tatlumpong libong piso taun-taon sa unang (3) tatlong taon at subject for evaluation sa ika-apat na taon sa pagitan ng Pamahalaang Lokal at ng nasabing koop. Ang pamamaraan ng pagbabayad o mode of payment ay quarterly. Ang (5) limang porsiyento ng taunang kita ng proyekto ay dadalhin sa Community Services at Educational Fund ng Kooperatiba.


As of July 15, 2011, ang koop ay may kabuuang benta o Gross Sales na P41,652.50. Ang kanilang tagapitas ng bulaklak o pickers ay magkakaroon ng insentibo na umabot na sa halagang P12,086.35 at ang kita ng koop ay umabot na sa halagang P29,566.15. Ito ay patuloy na lalaki pa kasabay ng paglaki ng mga nasabing mga halaman. Sa kasalukuyan, ang koop ay may dalawang (2) Full time Farm Employees at anim (6) na part time pickers ng bulaklak at sila ay kikita kada tabo ng bulaklak na kanilang mapipitas.
 
Sa pagtutulungan ng mga Board of Directors, Management Staff at mga regular na kasapi, sila ay naglalaan ng kanilang panahon at sama samang nag-aalaga sa kanilang Sampaguita Farm Business upang lalo itong lumago. Tunay na buhay ang spirit ng Cooperativism sa DEC MPC! Mabuhay ang mga Kooperatiba!






No comments:

Post a Comment